Pinarangalan bilang Box Office King and Queen si Enrique Gil at Liza Soberano sa ika-49th Box Office Entertainment Awards na iginawad ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
Ayon sa isang post ni Liza Soberano sa instagram, taos-puso siyang nagpapasalamat sa ibinigay sa kanila ng katambal na si Enrique Gil. Nabanggit din sa kanyang post sina Malou Santos, Carmi Raymundo, Mico del Rosario ng Star Cinema at ang director na si Cathy Garcia Molina.
Nagpaabot ng pasasalamat si Liza sa kanyang mother network dahil sa pagbibigay ng tiwala nito sa kanya at pagsuporta sa kanilang tambalan na LIZQUEN at sa oportunidad na ibinigay upang makapagbigay inspirasyon sa buong sambayanang Pilipino.
Sa isang post nabanggit niya rin kung gaano naging mahusay na katambal para sakanya si Enrique at “mahal niya ito”.
Nagpapasalamat din siya sa kanilang mga tagahanga at lubos din siyang nagpapasalamt sa Diyos dahil sa pagbibigay ng talento nito sa kanila upang magamit para makapag-pasaya ng mga tao.