Epekto ng bubuuing kasunduan sa South China Sea, malabo pang malaman sa ngayon ayon sa Department of Foreign Affairs

Manila, Philippines – Sa kabila ng ipinahayag na suporta ng China, hindi pa masabi ng pamahalaan kung mayroong epekto sa agresibong hakbang nito sa South China Sea ang binubuong framework of the code of conduct.

 

Ito ang sinabi ng pamahalaan sa harap na rin ng pagtatayo ng mga istraktura ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo.

 

Sa press briefing sa Thailand, sinabi ni Foreign Affairs Acting Secretary Enrique Manalo na sa ngayon ay maaga pa para sabihin kung mapipigilan ng binubuong kasunduan ang China dahil isasailalim pa ito sa masusing negosasyon.

 

Dagdag ni Manalo, mailalatag sa nasabing kasunduan ang mga mahahalagang elemeto na magpapahupa ng tensyon sa rehiyon.

 

Makatutulong din aniya ang ASEAN-China Code of Conduct para makaiwas sa mga komprontasyon sa karagatan. 

 

 

 

Facebook Comments