Dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado ipinatatawag ng Sandiganbayan para tumestigo laban kay dating Makati Mayor Elenita Binay

85

Manila, Philippines – Muling ipinatawag ng Sandiganbayan 5th division si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado para tumestigo laban kay dating Makati Mayor Elenita Binay.

 

Kaugnay ito ng kasong katiwalian ni Binay sa umano’y maanomalyang pagbili ng panel fabric partition at connector brackets para sa furnishing ng gusali ng Makati City Hall.

 

Ang dating alkalde ay dati nang humarap sa Sandiganbayan para tumestigo sa kaso ni Binay pero hindi ito nakasipot sa korte dahil sa kanyang medical condition.

 

Sa Miyerkules, March 29, gaganapin ang hearing.




Facebook Comments