ESTADO NG UHC LHS ML PINAG USAPAN NG PHO-AKLAN

Kalibo, Aklan – Pinag usapan ng mga staff ng Provincial Health Office PHO-Aklan na pinamumunuan ni Dr. Cornelio V. Cuachon Jr., Officer-in-Charge para alamin ang estado ng Universal Health Care Local Health System Maturity Level (UHC LHS ML) sa lalawigan ng Aklan, mula sa ibat-ibang UHC LHS ML focal persons. Sa ngayon umano, umabot na sa 100% ang Preparatory Level habang nasa 38% pa lang ang Organizational Level ng Universal Health Care sa Aklan. Ang lalawigan ng Aklan sa pamamagitan ng PHO at sa tulong ng Provincial DOH ay mahigpit na pinagtutuunan ngayong taon na maabot ang 100% Organizational Level. Ayon kay Dr. Cuachon, ang ibig sabihin ng UHC ay garantiya sa lahat ng Filipino na pantay-pantay na makamit ang kalidad at abot-kayang pangangalagang pangkalusugan at maging protektado tayo laban sa mataas na bayarin sa pagpapagamot. Matandaang naging batas na ang R. A. 11223 o Universal Health Care Act matapos na pirmahan ito ni President Rodrigo R. Duterte noong February 20, 2019 pero wala pang LGU ang siyento porsiyentong nagpatupad nito. Ang Aklan naman aniya ang isa sa mga napiling pilot area para sa malawakang pagpapatupad ng Universal Health Care system.
Facebook Comments