Estudyante, patay nang masagasaan ng train ng PNR sa Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang estudyante nang masagasaan ng Train ng Philippine National Railways (PNR) sa Vito Cruz station sa Maynila.

Nakaladkad ang 16-anyos na estudyante ng 10 metro nang masapul ng train habang naglalakad sa may riles.

Ayon sa saksing crossing keeper, naka-headset ang biktima habang tumatawid sa riles, kaya malamang hindi narinig ang babala at ang busina ng train.


Paalala ng PNR management, huwag magtangkang tumawid kung nakababa na ang barrier ng riles.

Facebook Comments