Ex-Military at dalawa pa patay sa Anti-Illegal Drug Operation ng PNP sa Sarangani

General Santos City—Patay ang isang Ex-Military Member at dalawa pang target sa Anti-Illegal Drug Operation ng pulisya sa bayan ng Alabel, Sarangani Province kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga binawian ng buhay na sina Edwin Jumuad, ex military member na dating nakabasi sa 37th Infantry Battalion at isa na ngayong businessman, residenti ng Purok 2, Barangay Poblacion Alabel; Carlo Esto, 40, businessman, residenti ng purok 8, Barangay Poblacion, Alabel at Locloc Villaflor, tricykad driver at residenti ng Barangay Cogonal, bayan ng Alabel, Sarangani Province.

Alas 2:00 ng madaling araw ng isinagawa ng Regional Police Drug Enforcement Unit, Regional Mobile Force Battalion, Sarangani Police Office, Alabel Municipal Police Station ug at iba pang unit ng PNP ang search warrant operation sa mga bahay nga suspek pero nanlaban umano sila kaya napilitan ang pulisya na gumanti ng putok na naging dahilan ng kanilang pagkamatay.


Napag-alaman na dinala pa sa Dr. Jorge Royeca Hospital ang tatlo pero parehong idineklarang dead on arrival ng kanilang attending Physician.

Na-recover sa bahay ni Jumuad ang isang Uzi at Magnum na baril; nakuha naman sa bahay ni Locloc Villaflor ang isang caliber 38; habang sa bahay naman ni Carlo Esto nakuha ang isang Uzi.

Facebook Comments