Numancia, Aklan— Kasunod ng planong paglalagay ng isang crematorium para sa COVID 19 victims sa brgy. Badio Numancia, ipinasiguro ng barangay council na babantayan nila ang magiging operasyon nito at kung may makikitang ikakapahamak ng mga residente ay agad nila itong ipapatigil. Ito ang paninindigan ni Badio punong barangay Victor Crispino matapos aprubahan ng LGU Numancia ang pagpapatayo ng crematorium ng kompanyang Justrod sa kanyang barangay na nasasakupan. Sa panayam ng RMN DYKR Kalibo, sinabi ng barangay kapitan na dapat ilagay sa MOA ng LGU at nasabing crematorium na sa oras na magdulot ng sakit at ikakapahamak ng mga residente malapit sa lugar ay agad na ipatigil ang operasyon nito. Base aniya sa public hearing sa sangguniang bayan na kanilang dinaluhan kasama ang representante ng nasabing kompanya na kailangang sundin ang mga panuntunan ng DOH kagaya ng 200 metrong distansiya mula sa mga bahayan. Magrerenta umano ang crematorium sa bahagi ng lupang nabili ng munisipyo sa likod ng Municipal cemetery kung saan base sa distansya mula sa kabahayan ay higit pa ito sa itinakdang guidelines. Dagdag pa nito na ipinakita rin ng kompanya ang ilang litrato ng pasilidad at maging ang labasan ng usok mula sa mismong crematorium na may taas na 50 ft. Inabisuhan na umano siya ng RHU na magsagawa na ng profiling sa mga residenteng malapit sa lugar na may roong mga sakit bago paman simulan ang pagpapatayo ng sa gayon ay may records na sila. Magiging madali aniya ang monitoring dahil sa oras na lumala o dumami ang mga nagkakasakit sa kasagsagan ng operasyon nito ay agad na maimbestigahan. Kung mapapatunayan na ang crematorium ang dahilan ay agad ipapahinto ang operasyon nito. Napag alaman na noong September 16, 2021 ay nabigyan ng business permit ng LGU ang Justrod Crematorium at balido ito hanggang December 31, 2021.
Exclusive: Crematorium itatayo sa bayan ng Numancia, barangay na pagtatayuan hihigpitan ang pagbabantay sa magiging operasyon
Facebook Comments