Exclusive: Iloilo City Police Office Director, tinanggal na sa pwesto

Manila, Philippines – Inalis na sa pwesto ang pinuno ng Iloilo City Police Office.

Ito ay si SSUPT Remus Zacharias Canieso na itinalaga na bilang Chief Directorial Staff, ARMM Regional Police Office.

Ito ang mismong kinumpirma ng opisyal sa panayam ng DZXL RMN Manila.


Pero sa halip na si Police Chief Insp. Jovie Espenido ang inaasahang papalit sa kanya ay hindi ito ang nangyari matapos na mismong iutos ng pangulo na ilipat sa Iloilo PNP si Espenido.

Kinumpirma mismo ni Canieso na ang pumalit sa kanyang pwesto ay si SSUPT Jesus Cambay ang Deputy Regional Director for Operations ng Iloilo City Police Office.

Sa ngayon dalawa ang posisyon ni SSUPT Cambay Officer in charge ng Iloilo City Police Office at Deputy Regional Director for Operations.

Kamakalawa raw inilabas ng PNP National Headquarters ang direktibang ito.

Facebook Comments