EXTENSION SA FILING AT RENEWAL NG BUSINESS PERMITS SA AGUILAR, INAPRUBAHAN

Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Aguilar ang extension sa filing at renewal ng business permits sa bayan sa ginanap na regular session noong Lunes, Enero 19.

Batay sa resolusyon, ang extension ay mula Enero 21 hanggang Enero 31 ngayong taon.

Ayon sa Sangguniang Bayan, layunin ng hakbang na bigyan ng karagdagang panahon ang mga negosyante upang makapag-renew at maiwasan ang pagbabayad ng violation o penalties.

Matatandaang nagsimula ang filing at renewal ng business permits sa Aguilar noong Enero 5 at nakatakdang magtapos ngayong Enero 20.

Kasabay nito, pinalawig din ang pagbabayad ng business taxes at iba pang kaukulang bayarin upang maging mas maayos ang proseso para sa mga negosyante.

Inaasahan na makatutulong ang extension upang mabawasan ang abala sa mga aplikante habang nananatiling maayos ang pangangasiwa ng lokal na pamahalaan sa koleksyon at regulasyon ng mga negosyo sa bayan.

Facebook Comments