Face-to-face classes, dapat mas unahin bago buksan ang mga sinehan at arcades

113

Suportado ni Senator Imee Marcos na ipagpaliban ang pagbubukas ng mga sinehan at arcade sa March 1.

Paliwanag pa ni Marcos, kawawa naman ang mga estudyante dahil hindi makapag-aral ng maayos ngayong walang pasok sa paaralan o face-to-face classes at hirap din na mag remote learning dahil sa mahinang internet connections.


Ayon kay Marcos, kung may perang pambayad, ay mas mabuting tipirin ito para sa gastusin sa hinaharap lalo na ngayong may krisis sa halip na manood ng sine.

Facebook Comments