Factory Worker na Sangkot sa Dalawang Kaso, Dinakip sa City of Ilagan!

Ilagan City, Isabela- Arestado ang isang factory worker na may kasong kinakaharap na Paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at RA 9165 sa Brgy.San Ignacio, Ilagan City, Isabela bandang alas sais y medya ngayong gabi, Hunyo 11, 2018.

Kinilala ang suspek na si Angelo Carlo Antonio, 26 anyos, walang asawa, factory worker at residente ng Brgy. Santa Barbara, City of Ilagan, Isabela.

Si Antonio ay dinakip ng kapulisan sa bisa ng Warrant of Arrest na unang ipinalabas ni hukom Isaac De Alban ng RTC Branch 16, 2nd Judicial Region, Ilagan City, Isabela dahil sa kaso nitong Paglabag sa RA 10591.


Samantala, Nakuha pa mula sa pag-iingat ng suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu habang ito ay dinadala sa himpilan ng pulisya.

Hawak na ngayon ng PNP Ilagan ang suspek para sa kanyang kaukulang disposiyon at dokumentasyon.

Facebook Comments