FAKE NEWS | Water interruption advisory na kumakalat sa FB, fake daw – MAYNILAD

Manila, Philippines – Itinanggi ng Maynilad ang kumakalat na Facebook post tungkol sa umano’y water interruption sa ilang lungsod sa Metro Manila.

Sa naturang post, mawawalan umano ng suplay ng tubig mula mamayang alas 10:00 ng gabi hanggang ala 1:00 ng madaling araw ng Huwebes sa Parañaque, Muntinlupa at Cavite.

Pero ayon sa Maynilad, hindi totoo ang naturang advisory.


Anila, nagkaroon ng planong water interruption pero kinansela rin ito.

Payo ng kumpanya sa publiko, tingnan ang official social media pages nila para sa mga lehitimong anunsyo.

Facebook Comments