Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa paggamit ng ultraviolet emmiting devices para sa disinfection laban sa COVID-19.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang sobrang exposure sa UV radiation ay maaaring magdulot ng skin irritation, sunburn, skin cancer, eye injury o katarata
Ang International Commission on Non-Ionizing Radiation (ICNIRP) ay hindi inirerekomenda ang paggamit ng UV lamps para sa consumer o personal use.
Sa ilalim ng FDA Act of 2009, minamandato ang ahensya na i-regulate ang radiation devices gaya nito.
Facebook Comments