FEDERALISM | BBL, posibleng maging national template ng mga estado

Manila, Philippines – Ibinabala ni House Deputy Speaker Rolando Andaya na posibleng maging national template ang Bangsamoro Basic Law (BBL) ng mga rehiyon sa bansa.

Ayon kay Andaya, maraming sumusuporta sa BBL dahil batid na mas magiging makapangyarihan ang mga LGUs at magkakaroon ng kontrol sa pondo.

Dahil dito, maaari aniyang umalma ang ibang mga rehiyon o lugar sa bansa at hangarin ang tinatamasa ng Bangsamoro region sakaling maisabatas ang BBL.


Aniya, lumutang ang ideya na ito sa mga pagdinig sa BBL at mga nagsusulong ng Federalism.

Tiyak aniya na hindi makakapayag ang ibang mga lugar na Bangsamoro region lamang ang makakatanggap ng mga ganitong pribilehiyo sa oras na maunang maipasa at maging batas ang BBL kesa sa Federalism.

Sinabi pa ni Andaya na hindi naman dapat ikabahala o ikatakot ng administrasyon kung magkaganito man dahil ganito rin naman ang magiging balangkas ng Federalism.

Facebook Comments