Feeding program, ikinasa ng MPD at MPD Presscor bilang aktibdad sa Araw ng Maynila

20

Nagsagawa ng feeding program ang Manila Police District (MPD) at MPD Presscor sa mismong headquarters nito sa lungsod ng Maynila.

Bukod sa ibinigay na mga pagkain at tubig, namahagi rin ang MPD at MPD Presscor ng isang bag ng grocery na may lamang noodles, pancit, biskwit at iba pa.


Nasa 150 indibidwal na kinabibilangan ng mga vendor, mga residente na malapit sa headquarters ng MPD, mga pedicab at tricycle drivers ang naging benepisyaryo ng nasabing programa.

Mismong si MPD Director Police Brig. Gen. Leo Francisco at mga opisyal ng MPD Presscor ang nanguna sa feeding program katuwang ang Goodfellow Foundation at Brixton Hills Volunteer Fire Brigade Association.

Ang naturang aktibidad ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-450 ng Araw ng Maynila.

Facebook Comments