Makato, Aklan — Hindi matukoy kung sino ang nag-iwan at nagbaon ng isang fetus sa likod ng bahay nila Jomar Valencia sa Sitio Ilawod, Brgy. Baybay, Makato, Aklan.
Ayon sa may ari ng bahay na aksidente itong nahukay ng kanilang tauhan dahil sa pinapagawang kulungan ng baboy kaninang umaga.
Agad itong ipinaalam sa mga barangay official at Makato PNP para na imbistigahan.
Dagdag pa ni Valencia na possible kahapon ito ibinaon sa lugar dahil walang tao sa kanilang bahay.
Ayon kay Punong Barangay Ramil Pelayo na wala naman silang na-monitor na buntis sa kanilang barangay at possible hindi taga doon ang gumawa nito.
Sa pahayag naman ni PLT. Marifien Carisusa, OIC Chief of Police ng Makato MPS, na sa report ng SOCO-Aklan ay lalaki ang nasabing fetus at hindi na malaman kung anong oras ito namatay dahil na expose na ito sa mga elemento.
Sa ngayon ay hinihintay pa ang official report ng Provincial Crime Laboratory habang nakipag coordinate na rin ang mga otoridad sa LGU para na mabigyan ng tamang libing ang nasabing fetus kung walang may mag amin.
Sa kabila nito, bilang interbensyon ng Makato PNP na mas pa nilang paigtingin ang pagbigay kaalaman sa mga kababaihan hinggil sa nasabing bagay.
Fetus natagpuang inilibing sa likod ng isang bahay
Facebook Comments