FFUP: Truck inararo ang 2 motor sa Makilala, 4 patay

Kinilala ang mga namatay na sina Edgar Hersi Pajal, magsasaka, may-asawa, 44, na taga Purok San Isidro, brgy Sto.NiƱo, Juanito Quinco Duhilag, may-asawa, driver, 37, na taga brgy. Sta. Fe, Viverlen Bama Aguanan, 16, na taga Brgy. Luayon, at isang Stephen Camblon Paredes, negosyante, 33 na taga Sitio San Nicolas, brgy San Vicente bayan ng Makilala sa North Cotabato.

Ayon sa impormasyon, galing ng Davao City ang Ten Wheeler truck na may kargang semento papuntang Cotabato City nang mawalan ng preno sa bahagi ng Sitio Patulangon, brgy. Malasila, pasado alas dyes ng umaga kanina

Sinasabing matapos mawalan ng preno ang truck ay dirediretsong inararo nito ang nakasalubong na dalawang motorsiklo resulta ng kamatayan ng mga sakay ng motor.


Sakay si Pajal sa kanyang motor star motorcycle kung saan angkas nito si Aguanan, minamaneho naman ni Duhilag ang kanyang itim na Sky-go at sakay rin si Paredes sa kanyang XTZ Yamaha motorcycle.

Patuloy namang tinutugis ng mga otoridad ang tumakas na driver ng 10 wheeler truck .

Contributed Pics

Facebook Comments