FIBA │Gilas Pilipinas, target ang win number two kontra Chinese Taipei

Sports – Inaasam ngayon ng Gilas Pilipinas ang ikalawang panalo sa 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers sa paghaharap nila ng Chinese Taipei mamayang ala-siyete y media mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nakuha ng Gilas ang unang panalo ng koponan kontra sa Japan, 77-71 sa Tokyo noong Biyernes.

Wala pang official line-up ang Gilas pero may option si head coach Chot Reyes na baguhin ang koponan na lalaban sa mga Taiwanese mamayang gabi.


Galing sa talo ang Taiwan kontra sa Australia, 104-66 kaya’t inaasahan na kakayod ng todo ang mga bisita para mapanitiling buhay ang kanilang pagnanais na makapasok sa World Cup.

Facebook Comments