Filipino community sa Kuwait, nagluluksa sa brutal na pagpatay kay Jullebee Ranara

Nagluluksa ngayon ang buong Filipino community sa Kuwait sa pagkamatay ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jullebee Ranara.

Kaugnay nito, iisa ang panawagan ng mga Pinoy sa Kuwait para sa hustisya sa sinapit ni Ranara na ginahasa, pinatay, at sinunog.

Lumalakas din ang panawagan ng mga nakauwi nang distressed OFWs mula sa Kuwait na pauwiin na rin ang mga Pinoy na nasa shelter ng Philippine Embassy.


Sa ngayon kasi, lalong nadadagdagan ang bilang ng mga distressed OFW na dumadating sa shelter ng embahada ng Pilipinas.

Sa harap na rin ito ng anila’y mabagal na repatriation process sa mga Pinoy na ilan taon nang naghihirap sa embassy shelter.

Facebook Comments