Financial Milestones na Dapat Ma-achieve at the Age of 30

Isa sa pinakapinoproblema ng tao ay kung paano magiging financially stable in the future. Narito ang ilan sa mga dapat mo nang magawa bago ka maging 30 years old.

1.Opening a Checking Account

Ito ay maganda kung nasimulan mo na noong college days. Mahalagang matutunan mo nang mag- manage at maging responsible sa sarili mong pera.


2.Starting and Regularly Funding an Emergency Fund

Pagkatapos mong makapagopen ng account ay mahalagang regular mo na itong malagyan mo ng laman. Sa ganitong paraan ay makakaipon ka at may magagamit ka sa oras na kailanganin mo ng panggastos.

3.Starting a Retirement Plan

Dapat makapagplano ka na ng maaga ng iyong retirement plan para mas maging maayos at malaki ang iyong maging retirement savings. Mahalaga sa pangmatagalang pagi-invest ay kung magkano ka nagsimula. Maaring simulan mo sa mababang halaga at unti-unti mong lakihan ang iyong contribution.

4.Investing Outside a Retirement Plan

Huwag na huwag kang magre-rely sa iisang investment. Mahalagang mayroon ka ring ibang investments na magpagkukuhaan mo pagdating ng panahon. Simulan mo ng maaga ang pagtatayo ng business.

5.Buying Your First Car

Napakahirap magbudget ng pera at isa nang konsiderasyon doon ay ang pagbili ng sasakyan.  Nasa iyo ang desisyon kung paano mo bibilhin ang una mong sasakyan. Loan ba o cash.

  1. Buying Your First Home

Katulad ng pagbili ng sasakyan ay kailangan mong mamili ng gusto mong bilhing bahay. Kung anong klaseng bahay ang bibilhin mo ay makakaapekto sa savings at investment mo. Napakahalaga rin ng timing. Sa edad na 20s to 30s ay mahalagang makabili ka na ng bahay. Atleast ay mayroon kang 30 years para bayaran ang bahay mo bago ang iyong retirement.

7.Overcoming a Financial Crisis

Considered a milestone din ang pag overcome sa una mong financial crisis. Mas maiintindihan mo na ngayon na mahalaga man ang pera ay hindi nito kayang pamunuan ang buhay mo.

  1. Get out of debt

Sa edad na 30, dapat ay nabayaran mo na lahat ng utang mo. Sa ganitong paraan ay mas madali ka ng makakapagplano ng mga investments mo in the future.

Kung hindi ka pa 30 years old ay hindi pa huli ang lahat. Simulan mo nang gawin ang mga ito para maging financially stable ka in the future!


Article written by Melody Ruth Lacson

Facebook Comments