Bumaba ng anim napong porsento ang firecracker related injury sa rehiyon ng ARMM noong nakalipas na pagsalubong ng bagong taon..Ito ang sinabi ni DOH-ARMM Secretary Dr.Kadil Jojo Sinolinding, anya tatlo lamang ang naputukan ng firecracker sa rehiyon isa sa maguindanao at dalawa sa Sulu.
Malaking bagay umano ang ipinalabas na EO number 28 ni pangulong Rodrigo Duterte kung kayat bumaba ng husto ang bilang ng naputukan.
Samantala mas accessable at people centered at wastong paggamit sa resources ng kagawaran ang ilan lamang sa nagging tagubilin ni ARMM Governor Mujiv Hataman kay DOH ARMM Sec.Sinolinding matapos ang ginawang cabinet meeting kamakalawa…
Sinabi pa ni Sec.Sinolinding na mas lalo pa nilang pagandahin at paigtingin ang serbisyo sa constituent mapamayaman o mahirap man.. Nais din umano ni Gov.Hataman na mapunan ang kakulangan ng health workers sa limang probinsya…Sa ngayon kasi ay mahigit pa sa tatlong daan ang kakulangan sa health workers sa mga barangay.
Firecracker related injury sa ARMM bumaba ng 60%
Facebook Comments