Pormal ng naiprokalama bilang Gobernador ng Maguindanao si Bai Mariam Sangki Mangudadatu. Nakakuha ng 253, 764 votes si Bai Mariam kontra sa 198,365 ni Freddie Mangudadatu.
Panalo rin para sa kanyang ikatlong termino bilang Vice Governor si Datu Lester Sinsuat sa boto ng 323, 181. Naiproklama na rin bilang Board Members ng 1st District ng Maguindanao sina Sharifudin Mastura, na nakakuha ng 162, 184 votes, Mashur Biruar, 132, 124 votes, Datu Sharif Diocolalno, 124, 452 votes, Datu Bimbo Sinsuat Sr. , 122, 105 votes at Laila Dagalangit 102, 758 votes.
Proklamado na rin bilang bagong 2nd District Board Members sina King Magundadatu, 103, 324 votes, DJ Parok Mangudadatu, 100, 892 Votes, Glenn Piang, 67, 195 votes, Bobby Midtimbang 62, 287 votes at Jofner Angas 60, 205 votes.
Tinanghal namang kogresista ng 1st District si Datu Roonie Sinsuat Sr., 125 481 votes , at 2nd District Congressman Elect si Esmael Mangudadatu na nakakuha ng 124, 385 votes.
Si Governor Elect Bai Mariam ay kauna unahang Lady Governor sa Maguindanao at nag- iisang Lady Governor sa bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Maituturing ding makasaysayayan para sa buong bansa ang panalo ni Bai Mariam dahil na rin sa pagkakaroon ng “Husband and Wife” na naihalal bilang Gobernador sa magkakaibang probinsya. . Si Bai Mariam sa Maguindanao at mister nitong si Sultan Kudarat Governor Elect Suharto Mangudadatu.(DENNIS ARCON)
First Lady Governor naihalal sa Maguindanao at BARMM
Facebook Comments