FIRST LOVE | Kapuso aktres na si Ashley Ortega, humakot ng medalya sa katatapos lang na Summer Skate 2018

Manila, Philippines – Humakot ng tatlong gold medals at special award ang kapuso aktres na si Ashley Ortega sa ginanap na Summer Skate 2018 sa SM Mall of Asia.

Makalipas ang pitong taon, ngayon na lamang ulit sumabak sa skating ang professional figure skater turned actress na si Ashley, kaya at masaya ang kaniyang mga fans na makitang ginagawang muli ng kanilang idolo ang first love nito.

Matatandaan na dati na ring nakapaguwi ng 8 gold medals, 3 silver at 1 bronze ang aktres mula sa kompetisyon na sinalihan niya noon sa Malaysia.


Facebook Comments