Flag raising ceremony sa Korte Suprema, suspendido muna

23

Mananatiling suspendido ang mga flag raising at retreat ceremonies sa Korte Suprema sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Pero itataas ang watawat sa Supreme Court tuwing Lunes at ibababa tuwing Biyernes ng hapon.


Mananatili ring suspendido ang night courts at Saturday courts.

Paiiralin pa rin ang skeleton staff at ang work from home ng mga kawani ng hudikatura dahil sa limitado pa ring mass transportation.

Hindi pa rin papayagan ang mga walk-in request sa mga tanggapan at sangay ng korte, at ipadadaan muna lahat sa email address at official Facebook accounts ng mga korte na nakapaskil sa official website ng Supreme Court o kaya naman ay sa kanilang hotline.

Gagamitin din ang video conferencing sa lahat ng mga opisyal na pagpupulong, seminars at trainings na itatakda ng hudikatura, maliban lang sa mga pagkakataong ipatatawag at may kapahintulutan ng punong mahistrado at ng Judiciary Task Force on COVID-19.

Facebook Comments