Flight operations sa Bicol, tuloy pa rin sa gitna ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon

Hindi apektado ang flight operations sa Bicol sa kabila ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), tuloy-tuloy pa rin ang mga biyahe papuntang Bicol gayundin ang mga umaalis mula sa rehiyon.

Tiniyak ng ahensya na ligtas ang mga pasahero at sasakyang panghimpapawid, basta’t mahigpit na nasusunod ang mga panuntunan at abiso na kanilang inilalabas.

Matatandaang kahapon ay naglabas ang CAAP ng Notice to Airmen (NOTAM) kaugnay ng aktibidad ng ilang bulkan sa bansa, kabilang ang Bulkang Mayon, Bulusan, Taal, at Kanlaon.

Sa ngayon, patuloy pang mino-monitor ng CAAP kung palalawigin ang naturang NOTAM na nagtapos kaninang alas-9:00 ng umaga.

Facebook Comments