Floyd Mayweather wagi kontra kay Tenshin Nasukawa

511

Panalo ang American boxing legend na si Floyd Mayweather Jr., sa exhibition game kontra kay Japanese kickboxing star Tenshin Nasukawa.

Sa pagbubukas pa lang ng round, pinaulanan na ng suntok ni Mayweather si Nasukawa dahilan para tatlong beses itong bumagsak.

Dalawang minuto lamang inabot ang naturang exhibition match matapos na hindi kayanin ng Japanese fighter ang mga suntok ng welterweight champion.

Aabot sa 9 million US dollar ang maibubulsa ni Mayweather mula sa exhibition fight na in-organized ng Rizin Fighting Federation, isang Japanese mixed martial arts organization.

Facebook Comments

From Advertisers