Sa harap ng bantang lockdown sa Hong Kong, nagkakaubusan na ngayon ng pagkain sa grocery stores doon.
Tumataas na rin ang presyo ng mga bilihin kaya apektado o hindi na sapat ang food allowance ng ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) na binibigay ng kanilang employer.
Ilan kasi sa OFWs sa Hong Kong ang binibigyan lamang ng food allowance ng kanilang amo para sa pang-araw-araw na pagkain.
Bunga nito, napipilitan anila silang bawasan ang kanilang remittance na pinapadala sa kanilang pamilya sa Pilipinas.
Ang bantang lockdown sa Hong Kong ay harap ng naitatala roon ngayon na halos 60,000 COVID-19 cases kada araw.
Facebook Comments