FORMER BARANGAY KAGAWAD arestado sa SEARCH OPERATION ng PDEA-12

General Santos City—Kalaboso sa isinagawang search warrant operation ng PDEA regional Office 12 at ng Kidapawan PNP ang isang former barangay Kagawad matapos nakunan ng illegal drugs ang kanyang bahay sa Purok 6B, Brgy. Amasion, Kidapawan City, Cotabato Province.

Kinilala ang suspek na si Rustico Lobetania, 40, dating barangay kagawad ng Barangay Amasion. Nakuha sa balay nito ang 13 sachet ng pinaniniwalaang shabu; caliber .38 revolver at mga bala.

Ang suspek ay kasama umano sa provincial target-listed drug personality ng North Cotabato.


Kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165 at Republic Act 10591 o Comprehensive law on firearms and ammunition ang isasampa laban sa suspek sa darating ng Lunes.

Facebook Comments