Former Vice Mayor Andre Hidalgo ng Milaor, Patay sa Vehicular Accident sa Ragay, CamSur

Patay sa vehicular accident si dating Vice-Mayor Andre Hidalgo ng bayan ng Milaor sa Camarines Sur.

Ayon sa report naganap ang aksidente bandang ala-una y media kaninang madaling araw habang sakay ng Toyota Fortuner sa Brgy. F. Simeon, Ragay Camarines Sur.

Sa pakikipanayam ng RMN Naga – DWNX kay SPO4 Albert Joven, Chief Investigator ng Ragay PNP, Nawalan umano ng control ang sasakyan. Dahil maulan ang panahon, basa at madulas umano ang kalsada, kayat nawalan ng control ang sasakyan, lumampas sa kabilang kalsada, tuluyang bumangga sa metal road barrier at nahulog sa gilid ng kalsada na may mga sampung talampakan ang lalim.


Kasama sa naaksidenteng sasakyan si incumbent Vice Mayor Senen Bermas, Vicente Claro, driver na si Noel Caceres at tatlong iba pa.

Sa dagdag pang pahayag ni SPO4 Joven, malubha ang tama ni dating Vice Mayor Hidalgo subalit buhay pa umano ito ng ma-rescue. Kaagad namang dinala lulan ng ambulansiya ng LGU Ragay sa Mother Seton Hospital ang mga biktima.

Sa follow-up ng RMN Naga sa pamilya ng mga Hidalgo sa barangay amparado, Milaor, kinumpirma ng bunsong anak ni former Vice Mayor na si Yanyan na pumanaw na ang kanyang ama kaninang umaga.

Si Hidalgo ay dati ring mayor ng Milaor at nag-file pa siya ng kanyang COC bilang konsehal ng Milaor para sa 2019 elections.

 

Facebook Comments