
Para kay ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio panahon na para imbestigahan ang Manila Bay Dolomite Beach Project na isinakatuparan sa ilalim ng Duterte Administration.
Giit pa ni Tinio, dapat managot ang mga sangkot sa posibleng pagkasayang ng pera ng taumbayan sa naturang proyekto kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Tinio, nasa P600 million ang pondong inilaan sa Dolomite Beach Project gayong hindi naman ito maikokonsidera bilang bahagi ng rehabilitasyon sa Manila Bay.
Sa November 17, itinakda ng House Committee on Public Accounts ang pagdinig ukol sa Dolomite Beach Project na hinihinalang sanhi ng malalang pagbaha sa ilang bahagi ng Maynila.
Facebook Comments









