Karagdagang dalawampung (20) recipients na naman ang nakatanggap ng libreng wheelchair kamakalawa mula sa Citizens’ Crime Watch (CCW) sa pakikipag-ugnayan ng DWNX – RMN Naga. Isinagawa ang distribution sa RMN Broadcast Center sa Brgy. Del Rosario sa bayan ng Milaor, Camarines Sur kasama si CCW Chair Carlo Batalla at Station Manager RadyoMaN Al Ubaña kasama sina RadyoMaN Ed Ventura and RadyoMaN Grace Inocentes.
Ayon kay Batalla, ang libreng wheelchair project ng CCW-DWNX ay patuloy na ginagawa para makatulong sa mga nangangailangang Bikolanong may kapansanan o dahil sa sakit o katandaan upang mas mapagaan o mapabuti ang kanilang kalagayan.
Idinagdag pa niya sa panayam ng DWNX na ang susunod na distribution ay gaganapin sa December 20, 2017 at ito ay gaganapin sa SM City Naga. Binigyang diin din ni Batalla na maliban sa libreng wheelchair, may Christmas gifts din silang ihahanda bilang pamaskong handog para sa lahat ng mga beneficiary.
Aabot sa 100 na wheelchairs ang pwedeng ipamigay.
Para sa sinumang nangangailangan ng wheelchair saan man kayo sa Bicol, magsumite lamang ng certificate mula sa inyong Barangay Chairperson or di kaya mula sa inyong Mayor bilang patunay ng pangalan, tirahan at nagsasaad ng kalagayan (disability, illness, old age). Dalhin ang certificate sa DWNX – RMN Broadcast Center sa Zone 6, Brgy. Del Rosario, Milaor, Camarines Sur.