Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 57,018 o 40.83% ang fully vaccinated sa Quirino Province laban sa COVID-19.
Batay sa Vaccination Update ng Provincial Health Office, nasa 100% na ang bakunado sa priority group A1 o mga health care workers o katumbas ng 4,377; 74% naman ang priority group A2 o mga senior citizen na umaabot na sa bilang na 13,227 ang nabakunahan.
Nasa 100% na rin ang bakunado sa priority group A3 o mga person with comorbidities o nasa bilang na 29,379.
Tanging mababa pa rin ang bilang ng mga nabakunahan sa priority A4 at A5 kung saan nasa 10,035 o 10.9% palang na indibidwal ang bakunado.
Samantala, unti-unti ng nakakamit ang malaking porsyento ng herd immunity sa lalawigan dahil sa mga bayan na maraming naitalang bakunado na kinabibilangan ng Aglipay (39.75%), Cabarroguis (45.48%), Diffun (33.03%), Maddela (46.34%), Nagtipunan (31.95%), at Saguday (59.18%).
Bukod dito, umakyat na sa 61, 210 (43.4%) ang nabakunahan palang sa first dose.
Tinatayang nasa 199,473 ang projected population na mabakunahan sa buong lalawigan at 139,631 ang eligible population.
Hinimok naman ang publiko na magpabakuna laban sa nakamamatay na COVID-19 virus.