Fundraising Kontra sa Droga, Planong Isagawa ng SK Labinab Cauayan City!

Cauayan City, Isabela – Planong isagawa ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Labinab ang isang fundraising movie na kontra sa droga sa lungsod ng Cauayan.

Sa naging pahayag ni SK Chairperson Jayson C. Purificacion ng Brgy. Labinab Cauayan City, sinabi niya na para sa lahat ng kabataan sa lungsod ng Cauayan ang planong paglikom ng pondo sa pamamagitan ng pagpapanood ng isa o dalawang pelikulang may kaugnayan sa maling dulot ng droga sa buhay ng mga kabataan.

Isusunod din umano ang fundraising movie o isang pelikula na may kaugnayan naman sa mga senior citizen dahil sa kapansin-pansin na umano sa ngayon na parang balakid na sa isang pamilya ang pag-aalaga sa mga matatanda.


Sinabi pa ni SK Chairman Purificacion na ang mga planong nabanggit ay paghahandaan at pag-aaralan pang mabuti bago isakatuparan dahil sa unang bibigyaan daan muna ang isasagawang christmas party para sa lahat ng SK members ng Brgy. Labinab nitong darating na buwan ng Disyembre.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat si SK Chairman Jayson Purificacion sa lahat ng sumuporta sa katatapos na outreach program kaugnay sa selebrasyon ng Children’s Month ngayong buwan ng November na nagbigay ng kasiyahan sa lahat ng anak at kamag-anak ng Persons’ Deprived of Liberty (PDL) sa BJMP Cauayan City nitong nakaraang linggo (Nov. 25,2018).

Magugunita na ang outreach program ay pinangunahan ng SK Barangay Labinab Cauayan City, katuwang ang Non Government Organization na Southern Philippines Muslim and Non-Muslim Unity and Development Association (SPMUDA) International at sa pakikipagtulungan naman ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM) at RAM Guardians Incorporated (Alakdan Kawayan Chapter).

Facebook Comments