Presyo ng langis – tataas na naman!

Manila, Philippines – May panibago na namang oil price increase sa susunod na Linggo.

Epektibo sa Martes, maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 ang inaasahang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.

Habang P0.10 hanggang P0.20 naman sa kerosene.


Posible namang walang paggalaw sa presyo ng gasolina o kung tumaas man ay nasa P0.10 lang.

Ito na ang pangatlong linggong nagpatupad ng dagdag-presyo ang mga kumpanya ng langis.

Bunsod ito ng pagmahal ng presyo ng krudo sa world market matapos na magdesisyon ang Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magbawas ng produksyon ng langis.

Facebook Comments