Gagawing retraining sa mga sinibak na pulis-Caloocan sa Lunes, sesentro sa moral at spiritual reform

Caloocan City – Aarangkada na simula sa Lunes ang re-training sa buong pwersa ng Caloocan City Police District na sinibak ng National Capital Region Police Office dahil sa kaliwa’t kanang kontrobersiya na kanilang kinasangkutan.

Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, sasalang sa re-training ang 1,143 members ng Caloocan Police Station.

Sinabi ni Albayalde na sesentro sa moral & spiritual reform ang pagsasanay sa mga pulis Caloocan.


Pinasisipot ni Director Albayalde ang mga pulis sa NCRPO Headquarters alas sinco ng madaling araw sa Lunes.

Paliwanag pa ng opisyal, direktiba ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa na isalang sabay-sabay ang retraining sa mga pulis-Caloocan.

Facebook Comments