
Nagniningning ang ganda, talino, at pagmamalaki sa kultura ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang bahagi ng North Central Luzon sa ginanap na coronation night ng Miss Hundred Islands 2026 sa Lungsod ng Alaminos, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Hundred Islands Festival na may temang “A Hundred Islands, A Thousand Stories.”
Lumahok sa patimpalak ang labingwalong kandidata mula sa iba’t ibang lugar sa North Central Luzon na nagpakitang-gilas sa entablado habang naglalaban para sa korona at sa pagkakataong maging Tourism Ambassador ng lungsod.
Tinanghal na Miss Hundred Islands 2026 si Jorgina Rose Dela Cruz ng Binmaley.
Kinilala rin bilang Miss Hundred Islands – Tourism si Estephanie Ladignon ng Alcala at Miss Hundred Islands – Environment si April Mae Flores ng Alaminos City.
Samantala, itinanghal na 1st Runner-Up si Rose Marie Erang ng Rosales at 2nd Runner-Up si Rose Marie Medina ng Pampanga.
Dumalo rin sa programa ang ilang kilalang panauhin na nagpahayag ng suporta sa patimpalak at sa patuloy na pagsusulong ng turismo sa lungsod.
Matapos ang coronation night, nagsagawa ng press conference ang bagong koronahang reyna sa City Tourism Office.
Nagtapos ang programa sa isang espesyal na pagtatanghal ng bandang Up Dharma Down na nagbigay aliw sa mga dumalong manonood. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









