Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino casualties mula sa toxic gas attack sa Aleppo, Syria.
Matatandaang nasa 100 indibidwal ang isinugod sa ospital makaraang mabiktima ng poison gas attack na inilunsad ng mga rebelde sa Northern City ng Aleppo nitong nakalipas na November 24.
Sa datos ng DFA may 85 Pinoy ang nakabase sa Aleppo ang ligtas mula sa insidente.
Kasunod nito, pinapayuhan ni Charge d’Affaires Alex Lamadrid ng Philippine Embassy sa Damascus ang mga kababayan natin sa Aleppo o ang Filipino community na mamatiling vigilante, umiwas sa mga matataong lugar at ugaling i-monitor ang sitwasyon sa kanilang lugar.
Pinayuhan din nito na iwasan ang mga lugar na Jamyet Alzahraa, Al-Khalidyeh at Al-Neil Street sa Aleppo na target ngayon ng mga rebelde.