
Hindi obligasyon ng Senate Impeachment Court na sagutin ang gastos sa pagkain ng kampo ng depensa at prosekusyon habang sa panahon ng impeachment trial.
Binigyang-diin ito ni House prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon kasunod ng hiling ng Office of the Vice President (OVP) na gastusan ng Senado ang catering service para sa defense team, support staff, at kanilang mga testigo.
Ayon kay Ridon, may kanya-kanyang budget ang OVP at ang House of Representatives na maaari nilang gamitin sa panahon ng paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Babala pa ni Ridon, ang hirit ng OVP ay maaaring magbukas ng procurement case laban sa Senado.
Facebook Comments










