Cauayan City, Isabela-Dahil sa mataas pa rin ang bilang ng COVID-19 cases at upang tulungan ang mga health workers dahil lumolobo ang bilang ng mga tinatamaan ng virus sa mga hospital ay pinalawig pa ng isang linggo ang umiiral na GCQ bubble sa Lungsod ng Cauayan.
Ayon sa EO no. 43 ni Punong Lungsod Bernard Faustino Dy, kanyang sinabi na kailangan pa rin gawin ang GCQ bubble dahil sa bahagya lamang ang naging epekto nito sa lungsod dahil sa mataas parin ang bilang mga kaso ng COVID-19, kahapon ay nakapagtala ng 11 panibagong tinamaan ng covid 19 kaya’t pumalo muli sa 292 ang aktibong kaso sa kasalukuyan ang Cauayan.
Dahil dito,muling pahirapan pa rin ang pagpasok sa lungsod para sa mga dayuhan dahil kinakailangan pa rin nilang dumaan sa triage ,nanatili pa rin ang number coding sa lahat ng uri ng sasakyan maliban nalang sa mga sasakyan ng mga itinuturing na APORS, hindi parin pinapayagan ang dine-in sa mga bahay kainan.
Subalit pinayagan naman makapagbukas ang mga Spa, Barber Shops at mga Salon na dati ay hindi pinayagan sa unang linggo ng GCQ bubble.
Matatandaan ng unang ipinatupad ang GCQ bubble sa lungsod noong nakaraang linggo matapos na pumalo sa 351 ang aktibong kaso nito.
Umaasa naman si Mayor Dy na sa kanyang ginawa na pagpapalawig sa bubble setup sa lungsod ay mapababa na nito ang kaso ng COVID-19.
Ang GCQ bubble ay muling tatagal hanggang sa May 9, 2021.