Isusulong ng Presidential Communications Office (PCO) ang commitment nito na tiyakin ang pagkakapantay-pantay sa kasarian o gender equality sa hanay ng media.
Ito’y kasunod ng pagkakatatag ng Media and Gender Equality Committee na na isang inter-agency committee na siyang bubuo sa guidelines at code of ethics para sa mga mamamahayag.
Ayon kay PCO Undersecretary for Digital Media Services Emerald Anne Ridao, isa sa mga gagawin nila ay ang paglulunsad ng Sexual Orientation, Gender Identity and Expression, and Sex Characteristics seminars kada taon.
Target din ng PCO na maglunsad ng health and wellness projects at self-defense training para mga babaeng nasa media.
Bahagi aniya ito ng pagsisikap ng pamahalaan na itaguyod ang women empowerment sa media landscape at para mawala ang stereotype na mas angkop ang kalalakihan sa media.