Gensan nananatiling nasa alert level 4

General Santos City—Nananatiling nasa alert level 4 ang Gensan kahit na nasakote na ang suspek sa pambobomba sa Bonita Lying Inn noong Sept. 16, na si Jeffrey Alonzo, residenti ng Barangay Lapu, Polomolok South Cotabato at kasapi umano ng Nilong group na sinasabing break away ng Ansar Al Khilafa Philippine o AKP.

Sinabi ni Gensan City Mayor Ronnel Rivera na ipapatawag pa nya ang Joint Task Force Gensan at ang Gensan City Police Office para talakayin kung pwedi na silang magbaba ng alert level mapatos naaresto ang suspek.

Sa ngayon magpapatuloy muna ang pinapatupad na mahigpit na siguridad sa boong lunsod lalo na sa mga check point papasok ng Gensan. Nagpapatuloy din ang implementasyon ng No ID no Entry Policy at ang curfew hour.


Ayon kay Mayor Rivera na hindi nila basta-bastang ibababa ang kanilang alerto lalo na na may mga banta pa sa seguridad.

Nanawagan naman si mayor Rivera sa mamamayan ng Gensan na ipagpatuloy lang ang pagbigay ng impormasyon sa pulisya at AFP lalo na kung may mga makikita silang kaduda-dudang tao o bagay sa kanilang lugar para agad na maimbistigahan ng awtoridad.

Facebook Comments