GET-AWAY Car ng MAYOR Ferdie BOTE SLAY, Na-CHECK POINT sa CamSur

Nahuli sa check point sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur, kaninang umaga ang sinasabing get-away vehicle na ginamit sa pag-ambush-patay kay Mayor Ferdinand Bote ng bayan ng Gen. Tinio, Nueva Ecija. Nahuli ang nasabing sasakyan sa Brgy. Cabasag ng nabanggit na bayan.

Ito ay ipinaabot sa bagong pinuno ng PNP Regional Office 5 na si Chief Supt Arnel Escobal habang ginaganap ang unang command conference sa provincial office ng PNP Camarines Sur.

Ayon sa report, ang get-away vehicle ay isang Toyota Avanza na may plate number EVQ 134.


Dalawa ang lulan ng nabanggit na sasakyan at isa dito ay nakilalang si Florencio Suarez.
May nakuha rin umanong .45 caliber na baril sa nasakoteng sasakyan.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan kaugnay ng pagkakahuli ng nasabing sasakyan na umano’y ginagamit na get-away vehicle nang tambangan si Mayor Bote ng Gen. Tinio, Nueva Ecija.

Facebook Comments