Manila, Philippines – Siguradong mapapalaban ng husto angGilas Pilipinas sa 2017 FIBA-Asia Cup na gaganapin sa Agosto 10 hanggang 20 sa NuhadNawfal Stadium sa Beirut, Lebanon.
Base sa resulta ng draw, pasok ang Pilipinas sa group bkasama ang powerhouse Australia, Japan at Chinese-Taipei.
Maglalaro naman sa group a ang China, New Zealand, SouthKorea at Hong Kong, samantalang lalarga sa group C ang host Lebanon, Syria,India at Jordan habangang Iraq, Qatar, Kazakhstan at Iran ay magsasama-sama sagroup D.
Pero ayon kay Coach Chot Reyes, pagtutuunan muna nila ngpansin ang nalalapit na SEABA championship na gagawin sa bansa kung saan umaasasiyang magkakampeon ang national team.
Ang FIBA-Asia Cup ang magsisilbing qualifying tournamentpara sa 2019 FIBA world cup na idaraos naman sa China.
Gilas Pilipinas, makakasama ang Australia sa 2017 FIBA Asia Cup
Facebook Comments