Ginang nadukutan ng 30,000 sa loob ng mall kahapon

*Mangiyak-ngiyak na dumulog kahapon sa PP1 ang isang 57 anyos na ginang matapos mabiktima siya ng pandurukot o theft sa loob ng Southseas Mall pasado alas dos ng hapon kung saan natangay ang 30,000 pesos na cash at mga samot saring ID’s.*
*Ayon sa report ng biktimang si Clara Mundo na residente ng barangay Pandan south Upi maguindanao, nagwithdraw umano siya ng pera sa western union na padala ng kanilang kamag anak mula sa abroad, at inilagay nito ang pera sa pitaka at isinilid sa shoulder bag at namasyal sa loob ng southseas mall kasama ang anak na babae.*
*Pasado alas tres ng mapansin na niyang nawawala na ang pitaka sa loob ng shoulder bag at dito na siya nataranta..Sa kanyang pahayag sa desk officer ng PP1 na meron umano siyang napansin na dalawang lalaki at isang babae ang sumusunod at umaaligid sa kanya sa loob ng mall na posibleng sila ang responsable sa pagdukot ng pitaka.Ang kasong ito ay nasa theft and robbery section ng PP1.*

Facebook Comments