Miyembro ng Abu Sayyaf Group at dalawang karnaper, arestado

Manila, Philippines – Arestado ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group at dalawang karnaper sa magkahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Basilan.

Kinilala ang naarestong ASG na si Boy Indama na naaaresto ng militar sa Lamitan City.

Si Indama ay tauhan ni ASG leader Furuji Indama na nakatakas sa Basilan Provincial jail noong December 13, 2009 at may kinakaharap na mga kasong kidnapping and serious illegal detention.


Habang ang karnaper ay kinilalang sina Salam Aslatan at Nuruddin Duray, ninakaw ng mga ito ang dalawang motorsiklo na pagmamay-ari ng isang Mursid Halikin na nakatira sa Tipo-tipo Basilan.

Ayon kay Capt Jo-Ann Petinglay ang tagapagasalita ng AFP Western Mindanao Command naaresto ang tatlong suspek noong Huwebes.

Sa ngayon nakakulong na sa Lamitan City Police si Indama ang dalawang karnaper ay nakakulong sa Isabela City Police.

Facebook Comments