Globe, nag-donate ng P300K bigas sa Mayon-affected areas

Patuloy ang Globe sa pagkakaloob ng suporta para sa mga komunidad na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon, kung saan nag-donate ito ng P300,000 halaga ng 50kg rice sacks sa tanggapan ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda.

Ang donasyon ay itinurnover sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) regional command center sa DPWH 2DEO Planning Warehouse sa Washington Drive, Legazpi City.

Ang donasyon ay magsusuplay ng relief packs para sa mga pamilya na apektado ng nagpapatuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon, na nananatili sa ilalim ng Alert Level 3. Maraming residente sa 6-kilometer permanent danger zone ang nananatili sa evacuation centers dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Mayon.


Sa pamamagitan ng naturang donasyon ay hindi lamang pinalalakas ng Globe ang papel nito sa pagsuporta sa disaster response kundi tumutulong din sa pagsasaayos ng  mas sentralisadong relief operation ng DSWD. Ang strategic alignment na ito sa government efforts ay titiyak sa episyente at epektibong paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan.

“We are committed to supporting the local government and national government agencies in their efforts to provide immediate relief to communities affected by the Mayon Volcano unrest,” pahayag ni Yoly Crisanto, Chief Sustainability and Corporate Communications Officer, Globe Group.

“As a trusted technology partner, we are utilizing our resources to meet the needs of the moment, and to help ensure that essential lifelines of food and social services are maintained during this challenging time,” dagdag pa niya.

Nauna rito ay nagkaloob ang Globe ng connectivity support sa pamamagitan ng Libreng Tawag, Libreng Charging, at Libreng WiFi booths sa Daraga, Guinobatan, at Malilipot. Ang Globe Prepaid at TM users sa mga apektadong komunidad ay nagkaroon din ng libreng one-day access sa unlimited calls at text sa lahat ng networks at 100MB ng data at panibagong 100MB access para sa Facebook, Viber, Whatsapp at Twitter. Ang mga Globe Mobile Postpaid at Globe At Home Postpaid user ay binigyan din ng kaluwagan sa pagbabayad ng bill sa pagpapalawig sa kanilang due dates.

Nagkaloob din ang KonsultaMD ng libreng teleconsultation sa pamamagitan ng KonsultaMD app.

Facebook Comments