Ayon official statement ni Siquian, hindi lamang kasama sa trabaho ang tingin nito kay Palce kundi higit pa sa pamilya ang turing nito.
Nang malaman umano niya ang balitang binaril ang Ginang ay agad umano siyang nakipag-ugnayan sa asawa ng biktima na si Judge Ariel Palce at kapatid nito, upang magpaabot ng pakikiramay.
Pagkalipas ng nangyaring pagpatay kay Ginang Palce, kasunod naman nito ang napabalitang nagpakamatay umano ang isa sa mga Board of Director na si Michael Paguirigan dahil sa di umano’y pag uutos sa mga nahuling suspek na patayin ang biktimang si Palce.
Bukod dito, nagdulot umano ng matinding sakit at pagkabalisa hindi lamang kay Siquian kundi maging sa kanyang buong pamilya ang pagkakaugnay sa kanyang pangalan.
Mariin naman nitong itinanggi na bahagi siya sa nangyaring krimen at kanyang iginiit na haharap siya sa tamang panahon at oras para ipagtanggol ang kanyang sarili.
Ayon pa sa kanya, handa siyang makiisa sa gagawing imbestigasyon ng mga awtoridad at maghahain ng mga kaukulang salaysay maging ang mga kakailanganing ebidensya.
Gagamitin rin umano ni Siquian ang pagkakataon na tumugon sa umano’y hindi patas at walang basehan na akusasyon laban sa kanya at tiniyak sa kanyang pamilya na malalampasan ang hamon na ito.
Bukas naman umano ang linya ng kanyang komunikasyon para sa anumang katanungan o concern.