Gobyerno, hinimok ni Rep. Recto na magtayo ng dagdag na libraries

Iminungkahi ni Deputy Speaker at Batangas Representative Ralph Recto ang gobyerno na magpatayo na muli ng mga dagdag na silid-aklatan o libraries na may WiFi upang mapagbuti muli ang reading comprehension ng mga mag-aaral.

Ayon kay Recto, tugon din ito sa pagpwesto ng Pilipinas bilang pang huli sa 79 na bansang isinailalim sa 2018 Program for International Student Assessment ng Organization for Economic Cooperation and Development.

Giit ni Recto, tuldukan na ang matagal na pagbabakasyon ng pagtatayo ng mga library at dapat ng ibalik ang pondo para dito sa 2023 national budget.


Binanggit ni Recto, noong 2006 ay P120 million ang inilaan sa pagpapatayo ng 60 silid-aklatan at 12 learning resource centers at patuloy itong ipinaloob sa budget ng Department of Education (DepEd) hanggang 2014 pero nahinto na sa mga sumunod na taon.

Ipinunto ni Recto na dahil sa pandemya ay umabot na ngayon sa 15 percent ang mga mag-aaral na hindi marunong magbasa base sa report ng United Nations Children’s Fund.

Kaya naman diin ni Recto, malaki ang maitutulong ng mga library para bukod sa pagiging informed o maalam ay maihanda rin ng pagbabasa ang isipan ng mga estudyante mas malalim na pag-unawa sa siyensya, matematika, economics at iba pa.

Facebook Comments