Gobyerno ng Surigao Del Norte Patuloy Sa Pagbigay Tulong sa mga Biktima ng Lindol

Umabot sa 429 na biktima ng lindol sa Surigao City ang nabigyan ng tulong pinansyal sa gobyerno ng Surigao del Norte.sa patuloy na pagbibigay suporta sa mga residente ng syudad na hindi pa tapos ang pagpapagawa ng kanilang sirang mga bahay dulot sa malakas na lindol noong Pebrero a dies ngayong taon.
Personal na binigay kahapon ni Governor Sol Matugas ang tig pitong libong pesos bawat isa sa 429 na mga residente na may malaking sira sa kanilang mga tahanan .Ang nasabing ayuda ay dagdag na tulong sa mga biktima para mapaayos ang kanilang sirang tahanan matapos niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang Surigao City noong Pebrero 10 kung saan maraming mga residente sa syudad at probinsya ang nasira ang mga tahanan at maraming inprastraktura din ang nasira. Sa nasabing lindol din nasawi ang siyam na residente ng syudad. ​

Facebook Comments