GOBYERNO PROBINSYAL NG AKLAN AT LIMANG MUNISIPALIDAD, KINILALA SA 2022 GAWAD KALASAG AWARDS

Kalibo, Aklan – Masayang ipinaaabot ng gobyerno probinsyal ng Aklan ang tagumpay matapos na kilalanin ito bilang Fully Compliant Province sa “22nd Gawad KALASAG Seal for Local DRRM Councils and Offices” sa buong bansa ng Pilipinas (A National Recognition). Maliban sa probinsya ng Aklan, kinilala rin ang apat na bayan sa kaparehong award. Ito ay ang bayan ng Altavas, Kalibo, New Washington at Numancia habang ang bayan ng Malay ay nag-iisang bayan sa Aklan na nakakuha ng “Beyond Compliant” sa nasabing pagkilala. Ang KALASAG Award o KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan Award ay kumikilala sa mga probinsya na nagpo-promote at nagpapatupad ng disaster risk reduction and management, climate change adaptation (DRRM-CCA), at humanitarian assistance programs para protektahan, tulungan at isalba ang mga high risk communities o mga mamamayan na nangangailangan ng saklolo lalo na sa oras ng kalamidad.
Facebook Comments